Life worth living

Friday, September 01, 2006

Patuloy ang swerte ni Jocjoc

« X for Erap docu
Comelec junks Sigaw petition »
August 31, 2006 at 8:57 am
Talagang sinuswerte itong si Jocjoc Bolante.
Sabi ni Executve Secretary Eduardo Ermita at ng Department of Foreign Affairs, kailangan raw tulungan si Bolante at asikasuhin at kanyang hinihinging “humanitarian assistance.”
Humingi si Bolante, na ngayon ay nakakulong sa Kenosha, Wisconsin sa Philippine Embassy sa Washington D.C. na makipag-usap sa Amerika para raw mabigyan siya ng “medical assistance.”Nang inaresto siya sa Los Angeles airport dahil sa pagtangkang pumasok sa Amerika sa paso ng visa noong July 7, ayaw niyang tulungan siya ng Philippine Consulate doon. Sabi niya kailangan raw respetuhin ang kanyang “privacy” at kung sino raw ang lumabag noon, kakasuhan niya.
Ayaw niya kasi mapag-usapan at mabulatlat ang kaso niya. Alam natin na kaya si Bolante ay nagliliwaliw sa ibang bansa dahil aya niyang umuwi dito sa Pilipinas kung saan may warrant of arrest galing sa Senado kaugnay sa imbestigasyon tungkol sa P728 milyon na fertilizer fund.
Lumabas kasi sa imbestigasyon sa pamamahala ni Bolante, ginamit ang P728 milyon at iba pang pera na umabot sa P3 bilyon na nakalaan para sa magsasaka sa kampanya ni Arroyo noong 2004 elections.
Siyempre protektado nina Arroyo si Bolante, na matalik na kaibigan ni Mike Arroyo. Napabalita na humihingi si Bolante ng asylum sa U.S. dahil isisp niya hina-hunting siya ng New People’s Army. May balita rin na nag-apply siya ng investor’s visa.
Sabi ni Harry Roque, abogado at professor sa Univeristy of the Philippines na nagsampa ng oposisyon sa korte sa Amerika sa pagbigay ng asylum kay Bolante: “Ang saya ni Joc-Joc. Habang ang libo-libong Pilipino ay nagtitiis sa hindi makataong kulungan sa iba’t-ibang parte ng mundo, gusto niya ay special treatment.”
Unang-una, sabi ni Roque, may mga doctor ang Kenosha detention center.
Pangalawa, kung walang tiwala si Bolante sa mga doctor sa Kenosha, ang solusyon doon ay sabihan niya ang kanyang mga mamahaling abogado na bigyan siya ng kailangan niyang medical assistance. Hindi dapat Philippine Embassy, na ginagastusan ng Filipino taxpayers , ang dapat gumastos sa kanya.
Pangatlo, hindi maaring kagustuhan lang ni Bolante ang masusunod. Kung gusto niya ang tulong ng embassy, kailangan rin sasabihin niya lahat ang tungkol sa kaso niya sa embassy officials. Iyan ang kapalit ng gastas ng taumbayan sa pag-tulong sa kanya.
Pang-apat, dapat asikasuhin ng embassy na ma-deport si Bolante pabalik dito sa Pilipinas para madala siya sa hustisya.
Ang gusto ni Bolante ngayon ay lalakarin ng Philippine Embassy na makalabas siya sa kulungan at titira sa isang hospital o isang lugar na bakasyunan.
Hindi naman nakapagtataka na pinagbibigyan ng Malacañang.Gagamitin na naman ang ating embassy at pera ng taumbayan para sa pag-protekta ng mga lumalabag sa batas.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home