Life worth living

Friday, September 01, 2006

Dentist ni Gloria

August 29, 2006 at 5:24 am
Dentist pala ni Gloria Arroyo itong si Leonor Tripon-Rosero, chair ng Professional Regulation Commission, na ngayon ay pinag-iinitan ng publiko dahil sa palpak na pamamalakad sa nursing board exam.
Kaya naman pala hindi magalaw ni Arroyo kahit nagkanda-lokoloko na ang nursing board exam.
Marami ngayon ang nagde-demand ng resignation ni Rosero dahil sa leak na nangyari sa June 2006 ng nursing at sa kawalan ng PRC ng aksyon. Ayaw ni Rosero na ipa-walang bisa ang resulta ng June 2006 exam at ipinasumpa pa niya ang ilan sa mga nakapasa kahit na alam niyang may naka-pending na kaso.Nagbigay ng temporary restraining order ang korte ngunit naka take-oath na ang 2,000 sa mga 17,000 na nakapasa raw. Gumagamit ako ng salitang RAW kasi hindi natin alam kung ilan talaga ang nakapasa.
Kahit marami ang nagsasabi na dapat mag-resign siya at ang buong board ng PRC para maisalba ang institusyon at maibalik ang pagtitiwala ng publiko, ayaw ni Rosero. “Ito ang aking trabaho at alam ko ang aking ginagawa. Hindi ako susuko sa mga nagpi-pressure sa akin. Hindi ako magre-resign,” sabi niya.
Sabi niya kaya siya linagay siya ni Arroyo sa PRC dahil alam niyang qualified siya. Kung pekeng presidente ang naglagay sa kanya, paano naman siya magiging qualified.
Matagal ng dentist ni Arroyo. Pati rin daw si Mike Arroyo, pasyente niya.
Ang asawa naman ni Rosero ay kasama ni Mike Arroyo sa Rotary Club of Makati Central kung saan miyembro rin si dating Agriculture Undersecretary Joselyn “Joc-joc” Bolante, Pagcor Chairman Efraim Genuino, at iba pang nasa magagandang posisyon ngayon.
Sa artikulo sa Philippine Daily Inquirer,sinabi ni Rosero na nasa Malacañang siya noong isang buwan dahil saw dental check up ni Arroyo ay tinanong siya tungkol sa leakage. Sinabi niyan ini-imbistigahan ay lumabas nga may leakage. Sumimangot raw si Arroyo.
Yun lang?
Malaking palpak na ang nagkaroon ng leakage. Ibig sabihin nun hindi may mandaraya mula doon sa taas. Ngunit mas malaking palpak ang desisyon ni Rosero na hindi uulitin ang exam.
Dahil sa eskandalo, maraming hospital ang ayaw tumanggap sa mga nurses na nakapasa noong June 2006. Malaking bahid rin sa lahat na Pilipina nurses ang nangyayari dahil hindi ngayon malalaman kung sino talagang nakapasa at sino ang bumagsak.
Hindi nakapagtataka na hindi mataas ang standard na pinapairal ni Rosero. Paano nga naman niayng pairalin ang honesty kung ang presidente ay numerong unong dishonest.
Kung ganito ang liderato ng ating professional regulation agency, darating ang araw mawawalan ng kredibilidad and ating mga professionals. Kawawang Pilipino.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home